Ilan Sa Mga Magagandang Tanawin Sa Nueva Ecija, Tara’t Alamin Natin

  Divine Mercy Shrine (Palayan, Nueva Ecija) 

Tunay ngang maraming mga tanawin ang matatagpuan sa Nueva Ecija. Marami na ang nakapunta sa iba’t-ibang parte nito dahil sa tunay na kagandahan ng mga lugar dahil sa gawa ng mga Pilipino at dahil rin sa paglikha ng ating Panginoong Diyos. Isa na rito ang Divine Mercy Shrine na matatagpuan sa Palayan City na pinupuntahan ng maraming mga Pilipino. Kasama sa listahan ang mga Pilipino na isa sa mga taong nagpapahalaga sa kanilang sariling relihiyon. Kaya ang karamihan ay pumupunta rito para makapagdasal, makausap ang Diyos, makapaglibot kasama ang pamilya, humiling, manampalataya, at marami pang iba.

Sa lugar na ito ay maraming mga tanawin na magaganda at kapag ikaw ay nakapunta dito, mararamdaman mo ang presensiya ng Diyos dahil sa pagkakagawa ng lugar na ito. Maaari ka ring humiling para sa iyong pamilya, sa iyong sarili, sa iyong mga kamag-anak o kaibigan.

Pag nakarating ka sa dulo ng mga Krus, hindi ka magsisisi kung tatapusin mo ang iyong paglalakbay dahil sa dulo ay makikita mo ang napakagandang tanawin. May mga nakatayong poon doon katulad ni Hesus, Maria, Jose, mga anghel at iba pa.

  Dupinga River (Gabaldon, Nueva Ecija)

Malapit na namang mag bakasyon ngayong taon. Maraming Pilipino ang makikipagsabayan sa iba upang makapunta sa iba’t-ibang lugar. Ngunit kung gusto niyong makapunta sa lugar kung saan maaaring lumangoy, maligo, makakuha ng mga  litrato, ang Dupinga ay isa sa mga magagandang puntahan na matatagpuan sa Gabaldon.

Ang ibang Pilipino at mga turista ay nagpupunta dito, ang iba naman ay nagbabakasyon rito upang mapuntahan lang ang Dupinga. Ang tubig rito ay malamig, malinaw at malinis kaya hindi ito pinagsasawaan ng iba. May mga nakapaligid rin ditong mga naglalakihang bundok at mga kubo na pwedeng puntahan.

Mahalaga rin ang pag-iingat upang makaiwas sa disgrasya katulad ng pagkalunod at pagkaligaw. Tandaan na ang kaligtasan ng bawat isa ay mahalaga.

  Tanawan (Nueva Ecija) 

Isa rin ito sa mga pinupuntahan ng karamihan lalo na ang mga may kasintahan. Ito ay malapit sa Mapalad, Nueva Ecija. And daan patungong Tanawan ay tunay na maganda dahil may mga nakapaligid ritong mga puno, halaman, bundok at mga bahayan. Malinis ang daan patungo dito at marami-rami ang mga sasakyan.

May lugar rito kung saan tumutungo ang mga tao. May mga kubo rito na maaaring kainan at habang ikaw ay nandoon, makikita mo ang mga magagandang tanawin sa ibaba. Sariwa ang hangin at malamig rin sa lugar na ito.

May kataasan ang mga lugar rito kaya kailangan ang dobleng pag-iingat at upang maging ligtas. Bawat tanawin rito ay may iba’t-ibang kagandahan at mayroong kalinisan. Ang mga tao ay nasisiyahan kapag nakakapunta sa tuktok nito dahil mas nakikita ang mga tanawin sa ibaba. Mayroon rin namang mga nagbabantay rito upang masiguro ang kaligtasan.

   Gapan (Nueva Ecija)

Ang Gapan ay isa sa mga lugar na maraming tao ang nagpupunta. Hindi nakakapagtaka kung ito ay napupuno ng mga sasakyan at mga tao dahil maganda ang mga tanawin sa loob nito. Isa ang simbahan nito sa mga malalaking simbahan sa Nueva Ecija. Marami ang nagsisimba rito at nagdadasal sa Diyos.
Isa rin sa dahilan kung bakit ito dinadayo ay ang mga produkto na ipinagbibili rito. Marami ang maaaring mabili rito na iba’t-iba, katulad ng mga pasalubong, pagkain, rosaryo, bibliya, poon, kwintas, damit, at iba pa. Mga mura rin ang bilihin rito at marami ang mga nakatayong establisyemento.

May iba ring tanawin na matatagpuan dito. May malaking halamanan sa loob nito na maaaring pasukin at tignan, mayroon ring mga poon sa loob noon at mga nakapalibot na mga puno, bulaklak at mga halaman. Sariwa rin ang hangin dito at malinis.

 Hunter Valley Resort (Nueva Ecija)

Hanap mo ba ay ang isang resort kung saan maaaring magpunta? Ang Hunter Valley na matatagpuan sa Cabanatuan City ay isa sa magagandang resort sa Nueva Ecija. Marami ang nagpupunta dito lalo na ang mga bata kasama ang kanilang mga pamilya. Kulay asul ang tubig at talagang masarap magbabad lalo na tuwing bakasyon.

Marami rin ang paluran rito at mga mabibilhan ng pagkain, gamit, pasalubong at marami pa. Iba’t-iba ang mga estilo ng swimming pool at mga slides. Makulay ang mga ito at maganda sa mata.

Sa ibang parte ng Hunter Valley ay may mini zoo kung saan maraming mga hayop ang nandoon. Mayroong mga bangis at mga maamo, ngunit ang mga ito ay nakakulong kaya maaaring pa ring mapuntahan.

Maraming tao ang pumupunta dito at madalas rin ay may mga ginaganap ditong kasalan, binyag, kaarawan, camping, at iba pa.

  Gabaldon Falls (Nueva Ecija)

Ang talon na ito ay matatagpuan sa Gabaldon. At tinawag itong Gabaldon Falls, ito ay pinapalibutan ng mga naglalakihang bato at mga berdeng dahon. Ang tubig nito ay sobrang lamig at ang talon ay may habang 10 ft. Ito rin ay malanis kaya pinupuntahan ng nakakarami. Sa taas nito ay matatagpuan ang bundok ng Sierra Madre.

Ang Gabaldon ay kilala sa mayroong pinakamalinis na pinagmumulan ng mga tubig sa Pilipinas. At ang pinakamalapit ngang talon sa kanilang lugar ay ang Gabaldon Falls.

Ang mga tao ay nasisiyahan kapag pumupunta dito lalo na dahil sa malinis at malamig na tubig. Marami ang naghahangad na maipagpatuloy ang kagandahan nito ng sa gayon ay puntahan pa ng mga marami.

 Talavera (Nueva Ecija) 

     Ang Talavera ay mayroong malaking populasyon. Ngayon, ang mga lupain sa Talavera ay ginagamit bilang taniman at sakahan. Ang iba pang tinatanim dito ay mga mais, sibuyas at nag-aalaga rin ng mga bibe upang makakuha ng mga itlog. Hindi nagkukulang ng produksyon dito kaya sagana ang pamumuhay ng mga tao.

Ang Talavera ay malinis at sariwa ang hangin. Madalas rin ay may mga ginaganap ritong paligsahan at iba pang mga aktibidad.

May ginaganap rin ditong mga fiesta na parte na ng kanilang kultura. Bawat baryo o mga lugar ay may ginaganap na sari-sariling fiesta.

  Minalungao Park (Nueva Ecija) 

Ang Minalungao Park ay matatagpuan sa munisipyo ng General Tinio. Ito ay gustong pasyalan ng nakararami  dahil sa kulay berde nitong tubig na mayroong kalinisan. May kakaibang porma ang mga bato dito dahil sa pagkakagawa. Sariwa ang hanging dito at maaaring makapagpahinga ang mga tao dito.

Ang lugar din na ito ay tamang-tama para sa mga taong gustong magdaos ng mga aktibidad upang marami pa ang makapunta. Ang halimbawa ng mga aktibidad ay ang pagkain ng sama-sama, paglangoy sa tubig, pamamasyal at iba pa.

Marami ang mga turista ang namamangha dito dahil sa kagandahan nito at kaayusan. May mga dumadayo rin kahit galing sa mga malalayong lugar basta makapunta lang dito sa Minalungao Park.

stone8Stone 8 Resort (Nueva Ecija)

Ang isa pang resort na kinahihiligang puntahan ng nakararami ay ang Stone 8 na matatagpuan sa Gabaldon. Popular ito lalo na sa mga Novo Ecijanos dahil mura lang dito at tunay na maganda. Ang Stone 8 ay mayroong  napakalawak na lupain kung saan mayroong mga kubo at swimming pools.

Sa taas nito ay matatagpuan ang Pacific Ocean na kinakailangan ng mahigit kumulang isang libong lakad o hakbang pataas upang ito ay makita o matagpuan.

Marami na talagang mga tao ang nakapunta sa resort na ito dahil sa kakaiba nitong mga estilo ng pagkakagawa. Hindi lang puro swimming pool ang nakapaloob dito kung hindi mayroon ding mga batis na mayroong malilinis na tubig dahil sa pinagmumulan nito. Patok din sa mga bata ang mga slides na ginawa upang mas gumanda pa ang resort.

pantaPantabangan Dam (Nueva Ecija)

Ang Pantabangan Dam ay matatagpuan sa Nueva Ecija. Ang layunin nito ay makapagbigay ng mga tubig para sa irigasyon, nagbibigay rin ng kuryente, at ang ibang bahagi naman ay nakakakontrol ng pagbaha. Ang dam rin na ito ay isa sa pinakamalaki sa Southeast Asia at isa sa pinakamalinis sa buong Pilipinas.

Ang paggawa sa dam na ito ay nagsimula noong 1971 at natapos noong 1977 kaya inabot ito ng pitong taon. Ito rin ay isa sa mga pinupuntahan ng mga turista dahil sa kagandahan ng lugar na ito na hanggang ngayon ay pinupuntahan pa rin. Ito rin ay umaabot sa Pampanga River.

cuyapoCuyapo Hill (Nueva Ecija)

Ang Cuyapo Hill o bundok ng Cuyapo ay matatagpuan sa Cuyapo. Ito ay mayroong laking 603 ft. at 184 m. Ayon sa isang pagsusulit, ito ay ang pang labing-siyam sa pinakamatataas na bundok sa Nueva Ecija at pang 1872 naman sa buong Pilipinas.

Ito ay pinalilibutan ng mga berdeng halaman na talagang malinis pati ang mga malalaking puno sa paligid nito. Ang ibang napapadaan dito ay naaagaw ang atensyon dahil sa kagandahan nito.

Katulad lang din ito ng mga ibang bundok na matatagpuan sa Nueva Ecija ngunit iba lang sa laki ang ibang mga bundok. Tunay nga na nakakamangha ang mga bundok sa Nueva Ecija dahil sa malago nitong mga kulay berdeng halaman.

Dalton_Pass_Nueva_EcijaDalton Pass (Nueva Ecija)

Ang Dalton Pass ay tinatawag rin na Balete Pass. Ito ay mahabang daan na pa-zigzag na pinagdudugtong ang Nueva Ecija at Nueva Vizcaya. Noong unang panahon, may ginanap ditong digmaan at ito ay ang Pangalawang Pangdaigdigang Digmaan o World War 2. Ngunit madadaanan naman na ito ngayon at naiayos na ito ng ibang mga mangagawa.

Maganda ang tanawin dito dahil medyo may kataasan ang daan nito. Sa paligid nito ay may mga malalaking bundok, puno, mayroon ring mga bahayan. Ang iba ay nasisiyahang dumaan dito gamit ang kanilang mga dalang sasakyan dahil sa paliko-liko nitong daanan.

bahay pahingahanBahay Pahingahan (Fort Magsaysay, Nueva Ecija)

Ang Bahay Pahingahan ay tinatawag ring Pahingahan Complex na matatagpuan sa Fort Magsaysay. Dito nagpapahinga o nakakapaglibang ang mga taong bumibisita dito at ang mga sundalo na matatagpuan sa Fort Magsaysay. May mga aktibidad rin silang ginagawa katulad ng Kayaking at Hiking. Ito ay napapalibutan ng mga tubig at may mga ginawa silang mga maliliit na kubo at iba pang gawa sa mga semento na iba’t-ibang hugis, kumbaga ito yung mga palamuti nila sa kanilang pahingahan.

May mga ginaganap rin rito katulad ng camping kaya marami ng estudyante ang nakakita sa pahingahan na ito. Ang iba ay kumakain sa loob ng kubo habang tinitignan ang mga magagandang nakapalibot dito.

Ang kagandahan ng pagkakagawa nito ay nakadagdag sa porsiyento kung bakit marami ang bumibisita sa lugar na ito, pati na rin ang malinis na tubig at sariwang hangin. May mga puno rin at halamang nakapalibot dito.

 

Tunay nga na maraming mga tanawin ang makikita sa Nueva Ecija. Ito rin ang tinaguriang “Rice Bowl of the Philippines”. Karamihan sa mga turista ay bumibisita sa Pilipinas at tumutungo sa Nueva Ecija upang masilayan ang mga kakaibang tanawin nito na patuloy na inaalagaan ng iba at pinapaganda. Ang disiplina, pag-aalaga, pagpapahalaga, at pagmamahal sa mga tanawin ay napakahalaga upang mas dumami pa ang makapunta dito sa ating bansa at mas makilala pa ito. Marami ang namamangha dahil sa mga lugar dito sa Nueva Ecija at ang iba ay laganap na sa ibang parte ng mundo dahil sa mga turista na bumibisita at paulit-ulit na pinupuntahan ang Nueva Ecija.

 

 

Leave a comment